Ano at Paano Maiiwasan ang Brain Aneurysm?

Ano Ang Brain Aneurysm? 

Ang brain aneurysm ay mahina at lumolobong bahagi ng ugat sa utak. Kadalasan ay walangsintomas ang mga brain aneurysm. Kapag pumutok ang brain aneurysm, tatagas ang dugo sa buong utak. Maiipon ang dugo sa subarachnoid space at maaari itong magdulot ng stroke. 

Ano ang Dahilan ng Brain Aneurysm?

Ang isang tao ay maaaring mamana ang posibilidad ng pagkakaroon ng aneurysm o maaari itong maging resulta ng pagkapal ng ugat (atherosclerosis) dahil sa cholesterol at pagtanda. May ilang mga risk factors na maaaring magdulot ng brain aneurysm. Karamihan dito ay makokontrol natin at kayang iwasan.

1. Family history - Ang mga taong may kapamilya at kadugo na nagkaroon ng brain aneurysm ay may mataas na posibilidad na magkaroon din ng aneurysm.

2. Previous aneurysm - Ang mga taong nagkaroon na dati ng aneurysm ay maaari pang magkaroon ng bagong aneurysm

3. Ang mga kababaihan ay may mas mataas na chance na magkaroon ng brain aneurysm.

4. Ang mga African Americans ay may mataas na risk na magkaroon ng aneurysm.

5. Ang mga taong may altapresyon.

6. Ang mga taong naninigarilyo dahil ito ay nakakapagpataas ng blood pressure.

7. May brain injuries

8. May mataas na LDL cholesterol 



Ano Ang Sintomas ng Brain Aneurysm?

Kadalasan na walang sintomas ang brain aneurysm pero maaaring makaranas ng sintomas kapag nagdudulot ng pressure ang lumobong ugat sa utak. Maaaring makaranas ng sakit ng ulo, panlalabo ng mata, hirap sa pagsasalita at sakit sa leeg. 

Kapag pumutok ang brain aneurysm, kailangan tumawag agad ng emergency o dalhin sa pinakamalapit na hospital ang pasyente. Ang sintomas ng pumutok na brain aneurysm ay biglaan at sobrang sakit ng ulo, sakit sa leeg, pagkahilo, pagsusuka, nagiging sensitbo ang mata sa liwanag, nawawalan ng malay, seizures, dilated o malaking pupils at bumabagsak ang talukap ng mata. 

Paano maiiwasan ang aneurysm?

1. Kumain ng masusustansyang pagkain
2. Iwasan ang labis na stress
3. Iwasan ang labis na pag-inom ng kape.
4. Iwasan ang pagkain ng mga maaalat. 

Source: Doktordoktorlads, KMJS