Sibuyas Bilang Halamang Gamot


Ang sibuyas ay karaniwang sangkap ng mga lutuing Pilipino kung kaya’t madalas itong makita sa kusina. Ang halaman nito ay maliit lang, pahaba at patayo kung tumubo. May bulaklak na tumutubo sa gitna ng halaman, habang ang mabilog na ugat naman ang siyang inaani at ginagamit sa pagluluto. Sa ngayon, ang halaman na ito ay tinatanim at inaani saan mang bahagi ng mundo.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SIBUYAS?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang sibuyas ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Ang bungang ugat ng sinuyas ay may taglay na essential oil, quercetin, quercetrin, allyl disulphide, allyl propyldisulphide, inulin, carbohydrate, protina, fat, ash, at vitamin C. Mayroon din itong kaunting mineral na magnesium at potassium.





ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Bungang ugat (bulb). Ang bungang ugat ng sibuyas ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit bilang gamot. Maaari itong kainin mismo, kuhanan ng katas, ipaamoy, o kaya’y ilaga at inumin.


ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SIBUYAS?

1. Hirap sa pag-ihi. Ginagamit ang bungang ugat ng sibuyas bilang pampahid sa sikmura upang matulungan ang pag-ihi. Niluluto ang sibuyas sa langis ng niyog pagkatapos ay ipampapahid sa bahaging puson. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng sibuyas upang maibsan ang kondisyong ito.

2. Pagkahimatay. Pinaaamoy ang sibuyas sa taong hinihimatay upang magising.

3. Pananakit ng ulo. Nakapagpapabuti rin ng pakiramdam ang pag-amoy sa hiniwang sibuyas kung sakaling dumadanas ng pananakit ng ulo.

4. Ubo. Ginagamit ng ilan ang sibuyas upang mapahupa ang tuloy-tuloy na pag-ubo. Kinakain lamang ang bunang ugat nito.

5. Lagnat. Pinakakain din ng sibuyas ang taong dumaranas ng pabalik-balik na lagnat.

6. Sore throat. Binababad muna sa suka ang sibuyas bago ipakain sa taong dumadanas ng sore throat.

7. Pananakit sa loob ng tenga. Pinapatak naman ang katas ng sibuyas sa loob ng tenga na dumaranas ng pananakit.

8. Paso. Ang hiniwang sibuyas ay maaaring ipantapal sa bahagi ng balat na napaso.

Source: Kalusuganph

Advertisement